Thursday, 6 February 2014

Commute Chronicles

So sumakay ako ng jeep kaninang umaga, papunta ng Santolan. Okay naman yung jeep, salo naman nung upuan yung pwet ko kahit papano pero hindi din naman ganun kaluwag para umupo ng pa-side view. May music pero di ganon kalakas kaya rinig padin ako ng drayber pag nagbayad nako. Sabi ko sa sarili ko sa may Tikling nako magbabayad kasi mukhang tulog pa 'tong mga katabi ko, walang magaabot nung bayad. Edi sige wait ako, dumating na yung Tikling, may isang pasaherong dumilat, kinuha ko sa bulsa ko yung bayad tas nakiabot sakanya. Aba'y may lahing ninja ata yung ale, pagtingin ko tulog na ulit. Too late naka-angat na yung braso ko at nasabi ko ng, “bayad po”. Mga ilang segundo din yun na hiyang hiya ako kasi walang pumapansin sakin kasi lahat tulog or nagtutulog-tulugan para di maabala, ewan ko lang. Buti may isang mamang may busilak na puso na nagising at inabot yung bente ko sa drayber. Nginitian ko nalang siya at sinabing “thank you po”. Ayos na, bayad na, banayad na ang byahe. Ala din naman kasing ibang nagbayad pagkatapos ko, siguro lahat bayad na. Nung malapit na yung Santolan, nagulat nalang ako, mga nagsilabasan sila ng wallet. Majority dun mga estudyante, U-belt people kaya alam kong LRT din sila bababa. “Bayad po,” “LRT po, estudyante,” “isa lang po yan,” “kuya, sukli ko po?” Hala lahat sila, nagmamadali ng magbayad at makuha yung sukli. Yung iba, galit pa. Kawawang drayber sa loob loob ko. Halos isang oras yung byahe, nung malapit na sa destinasyon saka lang nagbayad yung mga pasahero. Ang malupit dun, gusto agad nila instant yung panunukli nung drayber, eh buo pa man din yung pera nung iba sakanila. Santolan, LRT na. Bumaba na ko kasi male-late nako at nakapag bayad na din naman ako, sakto naman yung binigay ko. Ano pa bang hahanapin ni kuya? Pero lumingon ulit ako dun sa jeep, konti lang yung ibang bumaba pagkatapos ko. Siguro yung iba, hina-harass pa si kuya para sa sukli nila. Sukli na sana eh nakuha na nila ng maaga kung nagbayad sila kaagad. Pero ewan biased siguro ko dahil ugali ko ng magbayad agad pagkasakay. Siguro dahil drayber din ang daddy ko, mas sensitibo ako sa mga ganitong sitwasyon. Narinig ko sakanya nung minsan, “hindi porke't tagapaghatid lang kami ng tao, kakaya-kayanin na lang kami. Pinagpapaguran din naman namin yung bina-bayad niyo, kahit sampung piso lang yan. Try niyo maglakad na lang next time kung di niyo kami kayang respetuhin.”

No comments:

Post a Comment