“You
can take me down with just one single blow, but you don't know what
you don't know.... Why you gotta be so mean?” – Mean, Taylor
Swift
Alinsunod
sa nabanggit na kataga, ako ay dumaranas ngayon ng hindi maipaliwanag
na lungkot dahil sa mga naganap na pangyayari sa nakalipas na 24
oras. Ako po ay humihingi ng paumanhin para sa mga banyagang
mambabasa ng artikulong ito (kung mayroon man, syempre) sa aking
paggamit ng aking pinakamamahal na wika. Ito ay sa kadahilanang
marahil sa paggamit nito ay mas mailalabas ko ang hinaing ng aking
damdamin.
Eto
kasi yun: naiinis lang po ako kasi may mga tao palang
napaka-judgmental talaga. Ang mas malala pa don, kilalang tao na nga
siya, ganun pa yung asal niya. Or baka di niya nahahalata, di ko din
sure. Pero di ba? May pinagaralan kang tao, sana naapply mo yan sa
buhay.
Irregular
student kasi ako- ibig sabihin, hindi ako kabilang sa isang
permanenteng section sa course ko. Kung nabasa mo na yung mga dating
pino-post ko dito sa blog na 'to na wala naman yatang nagbabasa kundi
ako at yung kapatid ko, malalaman mong kaya ako irreg ay dahil
nag-stop ako sa pag-aaral- sandali lang naman, isang sem lang pero
malaking epekto pa din kasi delayed na ko ga-graduate. Anyway, para
sa mga hindi nakakaalam, mahirap pong maging irreg lalo na para sa
mga naging ganon hindi dahil may bagsak sila o mahina ang brain cells
nila, kundi dahil medyo napatid lang sila ng tadhana. Mahirap.
Mahirap lalo na para sa mga medyo awkward na taong kagaya ko na hindi
naman bihasa sa pakikipagkilala sa mga bagong tao, bagong classmates.
Mahirap kasi kahit nag-aaspire ka ng mataas na grades, dahil medyo
f****d up na yung scheds mo at kinukuha mong subjects, may tendency
na hindi mo maabot yung goals mo (pero that doesn't mean, imposible.
Kaya naman siguro). Mahirap kasi madalas mag-isa ka nalang mag-lunch.
Mahirap kasi alam mong one step ahead na ang mga taong minsan mong
naging kasabay. Mahirap kasi minsan walang paki-alam sayo yung
klaseng napasukan mo.Mahirap kasi madalas tawag sayo ate/kuya kahit
minsan magkakasing edad lang kayo. Pero siguro, ang pinaka-mahirap eh
yung impressions sayo. Mahirap kasi wala kang palag sa pagtingin nila
sayong kaya ka irreg ay dahil may mali sayo- either mej bobo ka
(harsh naman ng bobo, uhhm, academically challenged pwede na ba?) o
tamad ka. Medyo napatunayan ko yan kahapon.
Gusto
kong isipin na hindi naman ako tamad na tao. Saksi naman siguro lahat
ng nakakakilala sakin na hangga't maaari ay tinutulak ko ang sarili
ko na maging da best I can be. Naiinis
ako sa sarili ko kapag tumatakbo ang oras ng wala akong
naa-accomplish. Marahil dahil panganay, marahil dahil di naman
Napoles-like ang status sa buhay. Pero ang alam ko talaga kaya ako
ganito, kasi eto lang naman talaga yung way para maibalik kela Mommy
at Daddy yung pinaghihirapan nila eh. Sinabi ko minsan “mommy, nag
top story po ako sa major ko,” sobrang ngiti nila nun ni Paps. Tas
ako naman, ay pre kung nakita mo lang, mangiyak-ngiyak sa reaction
nila. So malaki talagang deal sakin yung nasabi sakin kahapon.
Intentional man o hindi, sobrang nasaktan talaga ko.