Tuesday, 10 September 2013

Mother of Rants

You can take me down with just one single blow, but you don't know what you don't know.... Why you gotta be so mean?” – Mean, Taylor Swift


Alinsunod sa nabanggit na kataga, ako ay dumaranas ngayon ng hindi maipaliwanag na lungkot dahil sa mga naganap na pangyayari sa nakalipas na 24 oras. Ako po ay humihingi ng paumanhin para sa mga banyagang mambabasa ng artikulong ito (kung mayroon man, syempre) sa aking paggamit ng aking pinakamamahal na wika. Ito ay sa kadahilanang marahil sa paggamit nito ay mas mailalabas ko ang hinaing ng aking damdamin.

Eto kasi yun: naiinis lang po ako kasi may mga tao palang napaka-judgmental talaga. Ang mas malala pa don, kilalang tao na nga siya, ganun pa yung asal niya. Or baka di niya nahahalata, di ko din sure. Pero di ba? May pinagaralan kang tao, sana naapply mo yan sa buhay.

Irregular student kasi ako- ibig sabihin, hindi ako kabilang sa isang permanenteng section sa course ko. Kung nabasa mo na yung mga dating pino-post ko dito sa blog na 'to na wala naman yatang nagbabasa kundi ako at yung kapatid ko, malalaman mong kaya ako irreg ay dahil nag-stop ako sa pag-aaral- sandali lang naman, isang sem lang pero malaking epekto pa din kasi delayed na ko ga-graduate. Anyway, para sa mga hindi nakakaalam, mahirap pong maging irreg lalo na para sa mga naging ganon hindi dahil may bagsak sila o mahina ang brain cells nila, kundi dahil medyo napatid lang sila ng tadhana. Mahirap. Mahirap lalo na para sa mga medyo awkward na taong kagaya ko na hindi naman bihasa sa pakikipagkilala sa mga bagong tao, bagong classmates. Mahirap kasi kahit nag-aaspire ka ng mataas na grades, dahil medyo f****d up na yung scheds mo at kinukuha mong subjects, may tendency na hindi mo maabot yung goals mo (pero that doesn't mean, imposible. Kaya naman siguro). Mahirap kasi madalas mag-isa ka nalang mag-lunch. Mahirap kasi alam mong one step ahead na ang mga taong minsan mong naging kasabay. Mahirap kasi minsan walang paki-alam sayo yung klaseng napasukan mo.Mahirap kasi madalas tawag sayo ate/kuya kahit minsan magkakasing edad lang kayo. Pero siguro, ang pinaka-mahirap eh yung impressions sayo. Mahirap kasi wala kang palag sa pagtingin nila sayong kaya ka irreg ay dahil may mali sayo- either mej bobo ka (harsh naman ng bobo, uhhm, academically challenged pwede na ba?) o tamad ka. Medyo napatunayan ko yan kahapon.

Gusto kong isipin na hindi naman ako tamad na tao. Saksi naman siguro lahat ng nakakakilala sakin na hangga't maaari ay tinutulak ko ang sarili ko na maging da best I can be. Naiinis ako sa sarili ko kapag tumatakbo ang oras ng wala akong naa-accomplish. Marahil dahil panganay, marahil dahil di naman Napoles-like ang status sa buhay. Pero ang alam ko talaga kaya ako ganito, kasi eto lang naman talaga yung way para maibalik kela Mommy at Daddy yung pinaghihirapan nila eh. Sinabi ko minsan “mommy, nag top story po ako sa major ko,” sobrang ngiti nila nun ni Paps. Tas ako naman, ay pre kung nakita mo lang, mangiyak-ngiyak sa reaction nila. So malaki talagang deal sakin yung nasabi sakin kahapon. Intentional man o hindi, sobrang nasaktan talaga ko.


Vaguely speaking, nasabihan kasi ako at isang tao pa (ewan ko kung siya, na-hurt. Ako kasi sobra sobra) na kasalanan namin kung hindi maka-graduate yung ibang ka-group namin. Boom! Yan na! Sumakit talaga puso ko dun, pangalawa nalang yung tenga. Ang sakin lang naman, alam ko sa sarili ko na ginawa ko naman ng maayos yung trabaho ko. Naguupdate via social networking site, nagreresearch ako sa library, gumagastos ako para sa photocopy ng books na hindi mahiram, di ako luma-lovelife para lang sa project na yun, tapos sasabihan ako na ako yung walang ginagawa, na ako yung walang na-contribute. Hindi niya lang siguro alam na ako yung gumawa LAHAT nung pinasang first draft sakanya. Wala man lang bang halaga yun?? Porke't irreg, wala agad pakialam sa graduation? Wala agad pakialam sa direksyon ng buhay?? Tama ba naman yun?? Gusto ko talagang kuwestiyunin lahat ng galang na mayroon ako nung panahong yun eh. Gusto kong sumagot pero pinigilan ko sarili ko. Syemps, estudyante lang naman ako, ano ba alam ko? Pero masakit talaga sobra. Naramdaman kong nag-shrink yung pagkatao ko into a microscopic size.

Masakit kasi, kina-career ko lahat ng bagay, kahit gano ka-liit. Pinipilit ko gawing maayos ang trabaho ko, tapos eto pala kapalit- i-aasume lang na wala akong pakialam dahil irreg ako at dahil hindi pa ko graduating. Tapos eto pa pala, malamang sa hindi, hindi siguro alam ni speaker of mean words na working student ako, na halos lumaklak ako ng kape sa gabi para pagsabayin ang studies at work. Hindi niya siguro alam na kailangan kong i-give up ang hilig ko na pagsayaw dahil mas importante syempre sakin na tumulong sa pamilya ko. Hindi niya siguro alam na 2 hours papunta, 2 hours pabalik ang hinaharap ko tuwing papasok sa eskwela. Di niya alam na sa liit kong 'to nakikipag-wrestling ako against machong construction workers sa pakikipagunahan sa jeep. Wala yun lahat. Tamad na irreg lang naman ako, right?

Anyway, to cap things off, I really hate myself sa pag-rarant na ito. Pero kasi kelangan lang ilabas. Nasa teen stage pa naman po ako, marami parin akong emosyong nararamdaman. Pasensya na. Pero dahil hindi naman ako mahilig mag-selfie, ok lang naman sigurong dito ko ubusin ang oras niyo. Sana bukas mas ok na ko, mas sanay na ko sa ganitong kalakaran ng mundo. Sorry kay Lord, kasi aminin ko man o hindi, may kapirasong hinanakit pa din. Sana Po mawala na ito.

(P.S Thank you for taking the time to read. Any negative reactions are welcomed and understood)
(P.S ulit – Idol ko pa din si speaker, hindi naman siguro yun magbabago)

1 comment:

  1. Magvviolent reaction ako. Paabangan n yang speaker n yn.

    ReplyDelete