Madalas
'tong line ng lolo't lola ko, mami't dadi. Automatic ang sagot ko ng
'opo'. Automatic hindi dahil iniisip kong 'yun ang ang gusto nilang
marinig na sagot. Automatic hindi dahil paulit-ulit sila at sanay na
ang dila ko. Automatic dahil alam kong yung request nilang yun, kahit
'di na nila sabihin, alam kong gagawin ko. Mag-aaral akong mabuti.
Wala naman talagang ibang makikinabang sa huli kundi ako 'pag ginawa
ko 'yon. Ingrained naman na sakin 'yun, kaya reflex na ang pag-sagot
ng opo.
Pero
minsan napapatanong pa din ako kung ano at paano nga ba talaga
mag-aral ng mabuti. Alam ko iniisip mo- Ahhh yesss! Nagpapaka-deep si
loko. Pero seryoso ko dito kasi nabanggit ko naman na from the start,
'yan na ang plano ko. 'Yan ang plano ng lahat. Pagdating
mo kasi sa kolehiyo, 'di na underrated ang pagiging grade conscious.
Bawat pagsagot mo sa papel, may equal and opposite reaction sa future
mo. So I guess hindi talaga maikakailang kailangan ma-praning sa
grado at sa iba-ibang mga factor na nagko-contribute sa goal na
makahawak ng diploma.
Madalas
ang basehan diyan ay yung kung ilan ang line of 9 mo sa card. Masakit
man para sa mga “nagta-try and try until they die pero average joe
pa din ang grades”. Pero wala eh. Yun na ang tingin ng mundo.
Mag-aral ng mabuti = Kumuha ng mataas na grade. TAMA! Walang palya
ang ganoong paniniwala. Sino nga naman ba sa atin ang nag-aaral para
bumagsak o basta pumasa lang? Whether
may natutunan man talaga ang estudyante o wala, nakakadagdag-yabang
naman talaga ang uno sa transcript.
Ako,
sa totoo lang, hindi ko pa naaatim ang nasabing tagumpay. Pero ibig
sabihin ba nun hindi ako nag-aral ng mabuti? 'Di ko din kasi alam
kung saang category pumapasok ang grades ko eh. 'Di siya bagsak, 'di
siya pasang-awa pero 'di din mataas. Unknown species kumbaga. Medyo
masakit siguro madinig kung pagsasabihan akong 'di ako nag-aral ng
mabuti when deep inside alam kong ibinuhos ko naman lahat. Huhuhu.
Must studying hard always be in a relationship with numbers? One of
these days, 'pag ako nainis, ipagbe-break ko 'yang dalawang 'yan.
Para
saan pa kaya 'yung saying na “there's a lesson in everything”
kung naniniwala ang lahat na wala kang natutunan kapag bumagsak ka.
Kahit konti, wala? Ouch naman. Naisip ko lang kasi na since iba-iba
ang tao, hindi ba dapat i-consider na iba-iba din ang learning
preferences natin? Kapag ba alam ng isa ang square root of x, ibig
sabihin angat na agad siya? Paano kung mas binibigyang pansin ng isa
pang tao ang essence at meaning ng square root of x kesa sa
computation nito? Wala lang 'yon? How can we say that the knowledge
of one thing is greater than another? [naks] Araw-araw
may natututunan tayong lahat, hindi nga lang pare-pareho.
Natututo ang isang parloristang gumupit ng kung ano ang
pinaka-bentang hairdo of the season the same way na natututo ang
isang up and coming journalist kung paano mang-ambush interview.
Parehas namang natuto 'di ba? Sabi nga ni Albert Einstein, “if you
measure a fish by its ability to climb a tree, it will spend its
whole life believing that it is stupid.” Well said, mah mehn!
Minsan
nga yung mga so-called geniuses of the world, sila pa ang sumisira
dito eh. Kaya siguro nauso din yung 'iba ang may pinagaralan sa may
natutunan'. Minsan nga naman yun pang mga nakatuntong ng kolehiyo ang
siya pang astang hayop. Hmm. Ako kaya may aktwal na natutunan o basta
may pinagaralan?
Bottomline:
Yang grades na yan, di mo madadala sa langit yan! Ang pruweba nalang
siguro natin na nakapag-aral nga tayo ng mabuti ay kung may natutunan
nga tayo- hindi lang basta nalaman, kundi natutunan, naisaisip at
naisapuso [iboto niyo na po ako sa 2016]. Alalahanin nawa natin na
hindi lahat ng mataas ang grades ay may natutunan, yung iba
nakai-score lang sa papel ng katabi. Mag-aral tayo ng mabuti. Hindi
sinabing hakutin ang mataas na grade. Sabi
nga ni idol Natalie Portman: “I don't love studying. I hate
studying. I like learning. Learning is beautiful.”
Magkaibang bagay nga naman yung dalawa. Rock on!
No comments:
Post a Comment